Marami ang nagtataka kung bakit until now treasured pa rin ang sing-sing na bigay ni Yec (my ex) sa'kin nung first monthsary namin (January 05, 2006). That was the first ever gift that I received from him and aside from that, siya pa lang ang guy na nakapagbigay sa'kin ng ring. Nung binigay niya sa'kin yun, hindi ko maipaliwanag ang feeling. Here's the story behind everything:
Three o'clock. Break time na! Ang saya ko kasi first monthsary namin... Pero mula nang pumasok kami sa classroom hindi pa kami nag-uusap. Kahit smile wala. Naisip ko tuloy na baka nakalimutan niya or galit siya sa'kin. Bakit nga kaya? Kinuha ko ang snack sa bag ko and niyaya na siya kumain. Di ako pinansin! Oh my! Galit nga kaya? Isang classmate ang nagsabi sa'kin.
"Monthsary niyo pala ngayon eh..."
Nakalimutan siguro niya. Ang lungkot... :(
Nainis ako. Binato ko sa kanya yung snack na hawak ko.
"Oh, kumain ka mag-isa mo..."
Dahil sa inis, umakyat ako sa 3rd floor ng building at umupo sa may corridor. Then after few minutes umakyat din siya. Akala ko aawayin niya ako. Dala niya yung snack. Akala ko babatuhin ako, akala ko gagantihan ako. Akala, akala, AKALA.
What's wrong with that guy? Naguguluhan ako. May kinuha siya sa bulsa niya. Nakalagay sa box. Kung di ako nagkakamali, pinapikit niya ako bago niya kunin sa bulsa. Pagdilat ng mata ko, nakita ko na may hawak siyang sing-sing. Sabi niya yung kamay ko daw. Nahiya ako, sabi ko ayoko. Ayoko naman na madisappoint siya at isipin na ayaw ko tanggapin yung ring. Nagfit sa daliri ko.
Bukod sa sing-sing, may letter din siya na binigay sa'kin...
Jesley,
HAPPY 1 MONTH!!!
Thanks for the patience you gave to me... I love yah!!! Just to keep in touch and I wish that more years will come to our lives...
Keep this simple present into your heart as a symbol of true love. Wag mo yang iwawala dahiil kung sakaling magkahiwalay atyo then magkita uli tayo, yan ang una kong hahanapin sa'yo.
Salamat uli sa lahat at sana next month masaya uli tayo...
I LOVE YOU PO!!!
Hindi na ako umaasa. Pero tinatago ko pa rin yung ring kasi memorable at importante yun para sa'kin. ♪
No comments:
Post a Comment