Sasabihin ko sayo…
Tulad ng pagsasama ng lapis at papel;
Na mula sa kawalan ay nakabuo ng napakaraming kabuluhan.
AKO ang lapis at IKAW ang papel!
Susulatan kita ng aking pangarap,
Mga kwentong masaya at nakakaiyak.
Mula doon ay magsisimula an gating daigdig,
Ang buhay na pagsasamahan natin,
Habang kaya ka pang sumulat
At hanggat may espasyo pa ako
Sa mapag-aruga mong papel...
Ngayon, at kung sakaling magasawa ka na…
At ayaw mo na akong makasama,
Huwag kang mag-alala.
Dahan-dahan kitang itutupi
Upang maging isang eroplanong papel.
Sabay palilparn sa hangin,
Sa ilalim ng malawak na langit.
Mula sa itaas, makikita mo marahil
Ang ibang Mundo.
Mundong wala noong magkasama pa tayo…
Kasama ng iyong pagiging Malaya,
Malaya ang pagpili kung saan mo gusting lumapag.
Narito lang Ako At nananalangin n asana
Mas Higit sa akin ang mapuntahan mo.
At kung sakaling malaglag ka sa lupa
At walang sinomang pumapansin sa’yo,
Dahil hindi ka na ‘sing ganda at tayog
Noong nasa itaas ka pa’t lumitipad,
Kung lahat ng inaasahan mong pupulot sa’yo
Ay dinadaan-daanan ka na lang
Kasabay ng paglubog at pagsikat ng araw…
Doon, doon ako darating upang kunin ka
At muling ialok sa’yo ang mundong binuo ko;
Iaayos ko at papantayin ang mga tupi
At nalukot mong bahagi noong eroplano ka pa.
Ibabalik kita bilang isang papel
At AKO pa rin ang lapis na walang sawang susulat sa’yo HABANG BUHAY.
‘Pag nangyari ang mga bagay
Na di natin inaasahan,
Saka mo ako tanungin kung…
Gaano kita kamahal.
Huwag nagyon, masaya tayong magkasama.
I got this from Ms. Sarah Kaye Mariano. This was given to her by her ex-boyfriend and was given to me and my female classmates as a graduation remembrance way back in high school.
"Ibigay lamang sa taong sa tingin nyo ay karapat-dapat."
Isang tao lang ang nakatanggap nito. My first ex. I gave him the copy when we broke-up. Thinking that he would be my first and last. Until now, I am still after that crazy idea.